Saturday, July 02, 2005


part 1 ng isang sulat na tila yata dapat hindi ko na ipinadala

'Yung mga sulat mo, naitago kong lahat. Nasa
kahong pinaglagyan mo ng birthday gift ko noon
ang lahat ng pangako mong nabitawan at nailapat
sa papel, na para bang mga kontrata mong
pinirmahan, hindi mo na mababawi, hindi mo na
mabubura. Akin na ang mga iyon kasama ng isa't
kalahating taong dami ng alaala, isa't kalahating
taon ng ngiti at luha, isa at kalahating taon na akin
ka.

Ang kahon na iyon itinago ko na. Doon lang sa tabi
ng kama ko, sa madilim na sulok na hindi ko nakikita
sa pag-asang balang araw ay malilimutan ko na
naroon pa pala ito. Katabi ang mga sulat ng mga
kaibigang nagdaan, mga pag-ibig na ako rin ay
iniwan ngunit akin nang nabitiwan, umaasa ako na
isang araw ang mga sulat mo'y sa ganoong
paraan ko na rin titignan.

Pero kung minsan kahit buo na ang aking
kagustuhang hindi na sana masaktan, hinihila ko
ang kahong iyon mula sa sulok nitong kinalalagyan
at isa-isang binabasa ang mga sulat mo. Isa isa
kong tinitignan ang mga larawan at saka babahiran
ng luha.

Hindi sapat ang magtapang tapangan. Hindi sapat
na ika'y layuan. Hindi sapat ang payo ng kaibigan.
Hindi sapat ang sabihin sa sarili na hindi ka
nakabubuti, hindi makabubuti para sa akin. Hindi
sapat ang lumuha sa gabi na nakahiga sa kama sa
dilim na hawak ang nagpupumiglas na dibdib at
sabihin nang paulit ulit na ayaw na kitang mahalin.
Siguro, sa puntong ito, ang magiging sapat na
lamang ay aking kamatayan, at kung ako'y may
tapang lamang, sa araw na ito limang buwan na
ang nakararaan ay kinitil ko na ang buhay ko para
lamang mawala na ang sakit sa dibdib ko. Gusto
na kitang kalimutan, Reni, ngunit tila hindi sapat ang
aking kagustuhan dahil hanggang ngayon sa
bawat paggising ko sa bawat isinusumpa kong
umaga na ako'y buhay pa ay pangalan mo pa rin
ang gustong isigaw ng damdamin kong pilit pa ring
pinipigilan.

Masakit ang malayo sa iyo. Masakit din ang malapit
sa iyo. Hindi ko na maapuhap ang gitna, hindi na
maapuhap ang kasiyahan. Hindi ko na mayakap
ang buhay ko sa kabuuan nito. Hindi ko na
mabuhay ang buhay ko gaya ng sa kagustuhan ko.
Hindi ko na alam kung saan pa pupunta. Hindi ko na
din alam kung ano pa ang gagawin sa buhay na
ikinaloob sa akin dahil sa totoo lang araw-araw
akong naghahanap ng rason para mabuhay ngunit
hanggang ngayo'y wala akong makita. Wala akong
magawa sa buhay na ito kundi ang araw araw na
bumangon at magkunwaring matatag para sa mga
taong umaasa at sa mga taong naghihintay na ang
buhay ko'y mabawi ko na.

Matapang... matapang ba ako, naging matapang ba
kailanman? Tila hindi ko na maalala. Tila hindi ko na
maalala ang buhay ko noong wala ka pa, na kahit
naisulat ko nang buong buo sa isang daan mahigit
na piraso ng papel ay hindi ko maisip kung ako nga
ba iyon o hindi. May nakilala ka noon na matapang
na babae. Isang prinsesa na mataas ang tingin sa
sarili at walang iniinda. Walang sinasanto at hindi
natatakot. Ang babaeng iyon, hinanap ko sa sarili
ko-- kapag nakita ko ba siya mamahalin mo ulit
ako? Hindi ko na yata kaya ang maging matapang.
Hindi yata ako yon. Ikaw yata yon. Ikaw yata ang
dahilan kung bakit wala sa akin noon ang
masaktan o madapa. Hindi ako matapang kung
wala ka dito.

Mahilig akong umarte. Mahilig akong gumawa ng
mga mundo sa aking imahinasyon na pilit kong
ipinapasok sa buhay ko, pilit ginagaya ang mga
bida sa mga kuwento ko. Sila iyong matapang at
hindi ako. Gusto ko palagi na maging matapang
para sa iba.

Gaya mo gusto ko na ding mabuhay para sa sarili
ko. Gumawa ng mga desisyon na walang pakialam
sa ibang tao. Ngunit di tulad mo may mga pangako
akong binitiwan at responsibilidad na dapat
gampanan. Nangako ka minsan na palagi akong
aalagaan. Ngayon nasaan ka na? Kailangan kita.
Bakit wala ka dito?

Hindi ba sapat ang pagmamahal ko? Kung anu-ano
ang mga ipinangako mo. Na itatanggol ako, na
pprotektahan, na hindi iiwan, hindi sasaktan.


ang part 2? huwag na ninyong hanapin ang part 2. suffice it to say na lalo lamang naging desperada ang boses sa sulat na ito.

bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? kung ma-pride lamang akong tao (All I Have - Jennifer Lopez feat. LL Cool J), hindi ko siguro ito magagawa sa sarili ko. hindi ko hahayaang ibaba sa ganitong klase ng katangahan ang sarili ko, pipiliin na lamang ang pride ko at saka maglalakad palayo. bakit nga ba ganito ang pag-ibig, na hinahayaan kong ibaba ang sarili ko ng ganito para sa taong mababa pa sa akin? i am a japanese princess. ang pinakaimportante sa mga haponesang tulad ko ay honor.

hindi ko inirerekomenda ang umibig. hindi ko inirerekomenda ang sakit na ito, lalo na sa mga kaibigan ko. makinig kayo. huwag na kayong umibig.

huwag na kayong umibig.


3:55 AM
will you catch me when I fall? :: |




this girl
named Ekai Ungson
find here
or here
or here
or here


listen to the static
"Wonder" - Megan McCauley
"Everyone is Wrong" - The Donnas
"You and Me" - Lifehouse
"Blind" - Lifehouse
"Lonely No More" - Rob Thomas
"Akap" - Imago
"The Difference" - Matchbox Twenty
"Extraordinary" - Liz Phair


Tagboard

angel wings
George
Joy
Candy
Nikki
Lance
Bryan
Alec
Kramer
Elbert
Sean
Randy
Mike
Sacha
Clair
Charo
M. Connie
Marlon
Ka Edong
Ava
Ken
LWS

adoring
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

iBlog


Who Links Here

credit is where credit's due
Knocking
Minitokyo
Blogskins

Blogger



Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com